National Disaster Consciousness Month, pinaghahandaan na ng DOH Region 1

Mandato na ng Department of Health (DOH) Region 1 na tumulong at maging handa lalo na sa panahon ng sakuna.

Ito’y kaugnay sa paggunita ngayong taon ng National Disaster Consciousness Month na may temang “Kahandaan at Pagtugon sa Sakuna, Tungkulin ng Bawat Isa”

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Dr. Jimuel Cardenas, Chief Local Health Support Division ng DOH Region 1, ang mga evacuation center ang pangunahing tinututukan kapag panahon ng kalamidad.

Ani Cardenas, mataas ang posibilidad ng pagkakaroon ng sakit sa mga evacuation center lalo na kung ang residente ay mula sa mga binahang lugar.

Dahil dito, patuloy umano ang koordinasyon ng DOH sa mga lokal na pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan pangkalusagan ng publiko.

Ang tinig ni Dr. Jimuel Cardenas, Chief Local Health Support Division ng DOH Region 1 sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

——-

Basic Life Support Training, isinasagawa ng DOH kasabay sa National Disaster Consciousness Month

Patuloy ang isinasagawang basic life support training ng Department of Health (DOH) sa mga Rural Health Unit (RHU’s) sa buong rehiyong uno.

Ito ayon kay Dr. Jimuel Cardenas, Chief Local Health Support Division ng DOH Region 1 ay para mabigyang kaalaman at magamit ng mga local health official sa pagresponde sa panahon ng disaster.

Tiniyak naman ni Cardenas ang ayuda ng DOH Region 1 sa mga local government unit sakaling magkaroon ng kalamidad na kakailanganin na ang kanilang tulong.

Kasabay sa paggunita ng National Disaster Consciousness Month, ipinaalala ng DOH na mahalaga pa rin ang kahandaan ng publiko at pagsunod sa mga babala ng barangay official lalo na kung kailangan ng lumikas.

Speak Your Mind

*