National School Deworming Month, pinaghahandaan na ng DOH Region 1

Pinaghahandaan na ng Department of Health (DOH) Regiuon 1 ang National School Deworming Month ngayong hulyo na magiging simultaneous sa buong bansa.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio sinabi ni Laurence Navarro, Health Education Program Unit ng DOH Region 1 sinabi nito na ang nasabing National School Deworming Month ay isasagawa hindi lang sa paaralan kundi maging sa kumunidad.

Target naman ng naturang programa ang pagpupurga sa mga bata na nasa isa hanggang apat na taong gulang sa kumunidad, lima hanggang labin walong taong gulang sa mga paaralan.

Sinabi pa ni Navarro na dalawang beses isinasagawa sa loob ng isang taon ang pagpupurga sa mga bata dahil mas madali silang kapitan ng mga bulate.

Ang tinig ni Laurence Navarro, Health Education Program Unit ng DOH Region 1 sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*