National Training hinggil sa pagpaparami ng Saline Tilapia, sisimulan na ng BFAR

Sisimulan na ng ngayong unang linggo ng buwan hulyo ang national training hinggil sa pagpaparami ng molobicus o saline tilapia ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Dagupan

Sa panayam ng Sonshine Radio kay Dr. Westly Rosario, ang Center Chief ng BFAR–National Integrated Fisheries Technology Development Center (NIFTDC) lahat ng mga Regional Offices ay magpapadala ng kinatawan para sa naturang pagsasanay.

Sinabi ni Rosario na ang saline tilapia ay unang i-denevelop sa BFAR Dagupan ilang taon na ang nakakaraan.

Ngunit ayon kay Rosario, ang naturang lahi ang tilapia ay hindi maayos na napaparami kayat isinusulong niya ang pagkakaroon ng 40 satellite hatchery sa buong bansa.

Ang tinig ni Dr. Westly Rosario, ang Center Chief ng BFAR–NIFTDC sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*