NFA Outlet sa Western Pangasinan, dadagdagan ng 20% ngayong taon

Dalawampung porsyento ng mga NFA Outlet sa buong Western Pangasinan ang idaragdag ngayong taon ng National Food Authority o NFA.

Ito ayon kay Lita Catabay, Senior Enforcement & Investigation Officer ng NFA Western Pangasinan ay para maka-comply ang nfa sa itinakda ng Government-Owned and Controlled Corporation o GOCC.

Dahil dito, sinabi ni Catabay na asahan na umano na makikita kahit saan ang NFA Outlet, maging ito ay sa barangay, terminal, palengke, at ipang mga lugar.

Mananatili namang mabibili ang presyo ng NFA rice sa P27 kada kilo sa alinmang NFA Outlet.

Speak Your Mind

*