NMIS Region 1, nagbabala sa publiko na iwasan ang pagbili sa mga mishandled meat

Muling nagpaalala ang National Meat Inspection Service (NMIS) sa publiko na mag-ingat sa pagbili ng karne dahil sa posibleng pilegro dulot nito sa kalusugan.

Ayon kay Dr. Eduardo Oblena, NMIS Regional Director na dapat maging mapanuri sa pagbili ng karne, dapat ito ay mamula mula pa ang balat, at walang mabahong amoy.

Kasabay nito, nagbabala naman si Oblena, sa mga tindera na sundin ang ipinapatupad at iwasan na ang pagtitinda ng mga mishandled meat upang hindi mauwi sa pagkalugi ang kanilang negosyo.

Iginiit ni Oblena na patuloy nilang ipapatupad ang batas kayat sakaling may mahuli silang lumabag sa batas ay kukumpiskahin nilang mga panindang karne ng mga tindera.

Kamakalan lamang ay umaabot sa 79 kilo ng mga mishandled meat ang kinumpiska ng nmis sa lungsod ng San Carlos, at agad naman itong ibinaon sa lupa upang hindi na mapakinabangan.

Speak Your Mind

*