No Junkfood, No Softdrink Policy, mahigpit na ipapatupad ng Deped

Ipinangako ng Department of Education (Deped) Dagupan na tututukan nila ang pagpapatupad ng No Junkfood, No Softdrink Policy sa mga paaralan.

Batay sa Deped Order No. 8 Serrie of 2007, mahigpit na ipinagbabawal ang pagtitinda ng junkfood at softdrink sa mga kantina ng paaralan dahil sa hindi magandang dulot nito sa kalusugan ng mga bata.

Ayon kay Dr. Diosdado Cayabyab, Education Program Supervisor, Deped Dagupan City, dapat sundin ng mga school head na limitahan o tuluyan nang ipagbawal ang pagtitinda ng junkfood at softdrink sa school canteen.

Sakali may mahuling paaralan na lumabag sa biglaang inspection ng Deped, papatawan ito ng kaukulang parusa.

Ipinapayo naman ng Deped sa mga magulang na mas mabuting pabaunan nalang ang kanyang anak ng masustansyang pagkain gaya ng sandwich, juice at prutas.

Speak Your Mind

*