“No parking” sa harap ng paaralan, mahigpit na ipapatupad ng POSO Dagupan

Mahigpit na ipatutupad ng Public Order and Safety Office (POSO)-Dagupan ang “No Parking” sa lahat ng unibersidad sa lungsod kasabay sa pagbubukas ng pasukan ngayong araw.

Ayon kay POSO Chief Michael Hernando, nakasaad sa batas na bawal ang pag-park sa harap ng malalaking paaralan maging sa mga unibersidad sa dagupan.

Ngunit aminado si Hernando na maraming mga motorista ang walang disiplina at hindi sumusunod sa batas trapiko.

Samantala, magtatalaga naman ang poso ng karagdagang traffic enforcer dahil sa inaasahang pagsikip ng daloy ng trapiko sa lungsod dahil sa pagsisimula sa pasok ng mga estudyante.

Bukod, sa No Parking mahigpit ring ipapatupad ng POSO ang No Loading at Unloading sa pangunahing kalsada sa Central Business District ng Dagupan.

Speak Your Mind

*