“Oplan Sita”, isasagawa ng LTO Dagupan sa pagbubukas ng klase sa lunes

Magpapatupad nang malawakang “Oplan Sita” ang Land Transportation Office o LTO Dagupan kasabay sa pagsisimula ng pasukan sa lunes, hunyo a-trese.

Ayon kay Dagupan LTO Chief Richard Agbayani, partikular na babantayan ng mga kawani ng LTO ang mga motorista at kalsada na malapit sa malalaking paaralan at unibersidad sa lungsod.

Layunin umano nito na tutukan ang mga posibleng gumawa ng paglabag gaya ng over loading, pagmamaneho na walang helmit, at mga kolorum na sasakyan.

Dahil dito, nagbabala ang LTO sa mga motorista na kompletuhin ang mga kakailanganing dokumento para maiwasan na mapatawan ng multa sakaling masita.

Inaasahan naman na kasama sa gagawing oplan sita ng LTO Dagupan ang augmentation na magmumula sa LTO Regional Office 1.

Speak Your Mind

*