Over charging at over loading, babantayan ng LTO sa kanilang “Oplan Balik-Eskuwela”

Tiniyak ng Land Transportation Office o LTO Dagupan na mahigpit nilang ipapatupad ang “Oplan Balik Eskuwela” kaugnay sa pagsisimula ng pasukan ngayong taon.

Kaugnay ito sa ibinabang kautusan ng LTO Head Office na epektibo mula Hunyo a-trese hanggang a-dise sais kung saan kabilang dito ang paglalagay ng assistance desk sa mga lugar na malapit sa paaralan.

Ayon kay Richard Agbayani, District Chief ng LTO-Dagupan na sisigiraduhin niya na lahat ng LTO Law Enforcer ay magbabantay sa malalaking paaralan at unibersidad sa lungsod.

Dagdag pa ni Agbayani na kabilang rin sa kanilang mahigpit na babantayan ng mga over charging at over loading na mga sasakyang maghahatid ng estudyante sa paaralan.

Speak Your Mind

*