Overcharging ng mga tricycle driver sa Dagupan, mahigpit na babantayan ng POSO

Upang mabantayan ng mga overcharging ng mga tricycle driver, mahigit ng ipinapatupad ng Public Order and Safety Office (POSO) ang bagong Fare Matric sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay POSO Chief Michael Hernando, nakapaloob sa ipinapatupad na City Ordinance Number 1875-2012 ang paghuli at pagpataw ng multa sa mga pasaway ng tricycle driver.

Batay sa Fare Matric, P10 sa kada tatlong kilometro ang regular fare, at P20 kapag solo ang pasahero, P10 sa kada dalawa at tatlong pasahero, at P16 sa lahat ng estudyante, senior citizin o person with disability.

Mahigpit naman ang babala ng POSO na bawal kontratahin kung special trip lang ang puwede sa namamasadang tricycle driver sa Dagupan.

Hinikayat naman ni Hernando ang publiko na magtext o tumatawg sa kanilang himpilan para maireport ang mga tricycle driver na nagsasagawa ng overcharging.

Speak Your Mind

*