Pag-boycott sa media, pinanindigan ni Duterte

Pinanindigan ni President-Elect Rodrigo Duterte ang kaniyang banta na i-boycott ang media.

Ito ay matapos hindi pansinin at papasukin sa tinaguriang Malakanyang in The South sa Panacan Depot Davao city ang mga kagawad ng media.

Nanibago at maraming mamamahayag ang nasaktan sa mistulang pagbabalewala ng incoming president sa kanilang presensiya.

Sa thanksgiving party ng kampo ni Duterte sa Cebu City ay tanging PTV 4 lamang ang pinayagang makapasok at mag-live coverage.

Una ng umani ng batikos ang mayor sa pahayag nito kaugnay sa media killings.

Ang international media group na Reporters Without Borders ay nanawagan ng boycott, bagay na hindi naman pinatulan ng local media sa Pilipinas.

Speak Your Mind

*