Pag-ibig Loyalty Card, pwede nang gamitin bilang discount card

Napapakinabangan na ng maraming miyembro ng Pag-ibig ang upgraded ID o tinatawang na Pag-ibig Loyalty Card na pwedeng gamitin bilang discount card.

Ito ayon kay Nancy Ramos, Sales and Marketing Division Chief – Pag-ibig Fund Dagupan Branch sa panayam ng DZD Sonshine Radio sa programang Kapartner ng Bayan.

Ayon pa kay Ramos, isang lifetime Id ang Pag-ibig Loyalty Card, at maaari din umano itong gamitin bilang discount card sa mga establisyamento na partner ng Pag-ibig.

Dagdag pa ni Ramos, isinusulong na ng pamunuan ang Pag-ibig na maikonsidera ang Loyalty Card bilang isang valid ID tulad ng mga driver’s license, voters ID, SSS ID at iba na maaring gamit sa mga transaksyon sa mga pribado at pampublikong ahensya.

Speak Your Mind

*