Pag-identify sa mga barangay na affected ng illegal drugs, sinimulan na

Mas mabuting mag-resign ang isang pulis kung hindi na niya kaya ang responsibilidad na magpatupad ng batas.

Ito ang inihayag ni P/supt. Jackie Candelario, Information Officer ng Pangasinan Police Provincial Office kaugnay sa panawagan ni incoming president rodrigo duterte.

Sinabi pa ni Candelario, Deputy Provincial Director for Operation na ito rin ang panawagan ng Provincial Director lalo sa mga Chief of Police ng Pangasinan.

 

Dahil aniya sa kampanya ng bagong administrayon laban sa iligal na droga, puspusan na ang trabaho ng pulisya kabilang na ang pag-identify sa mga barangay na affected ng illegal drugs, at maging mismong ang mga drug pusher at user.

Speak Your Mind

*