Pagbalik sa bansa ni Joma Sison, hindi magiging madali

Aminado ang National Democratic Front o NDF na hindi pa rin magiging madali ang pagbabalik sa pilipinas ni CPP Founder Jose Maria Sison.

Ito ay kahit nagbukas pa ng posibilidad ang papasok na administrasyon ni President Elect Rodrigo Duterte.

Ayon kay NDF Negotiating Panel Spokesman Fidel Agcaoili, malaking epekto aniya sa biyahe ni Sison ang pagkakalagay ng CPP-NPA sa terror list ng Amerika.

Nangangamba si Agcaoili na baka arestuhin si Sison sa daraanang bansa bago makarating sa Pilipinas.

Nabatid na walang direct flight mula sa the Netherlands patungong Pilipinas kaya obligadong dumaan si Sison sa ibang bansa, kung saan hindi kinikilala ang kalayaang ibinibigay sa kaniya ng Netherlands.

Speak Your Mind

*