Pagdadala ng gamit eskwela ng mga bata, ibinababala ng MHO Bayambang

Nagpaalala ang Municipal Health Office (MHO) ng bayan ng Bayambang, Pangasinan sa mga magulang na huwag pagbitbitin ang kanilang mga anak ng mabibigat na bag.

Ayon kay Dra. Paz Vallo, Municipal Health Officer ng Bayambang, mas mabuting samahan ng mga magulang ang kanilang anak lalo na ang mga nasa kindergarten at elementary na kalimitang may dalang mabigat na bag.

Nabatid na ang pagdadala o pagbubuhat ng mabigat ng bag ay maaaring magdulot ng pananakit ng leeg, likod at balikat at kalaunan ay mauwi sa ‘deformity’ o pagkakuba.

Nilinaw naman ni Vallo na wala pa naman siyang namomonitor na ganitong kaso sa bayan ng bayambang ngunit mas mabuting mag-ingat.

Speak Your Mind

*