Pagdedeklara ng Martial Law sa Sulu, dapat munang pag-aralan

Dapat na masusing pag-aralan ang posibleng pagdedeklara ng Martial Law sa Sulu para masugpo ang teroristang Abu Sayyaf.

Ito ang inihayag ni Muntinlupa City Representative Rodolfo Biazon sa DZAR Sonshine Radio.

Maliban dito, kailangan din aniyang mapag-aralan kung ano at saan ang magiging sakop ng batas militar laban sa ASG.

Una nang inamin ni Pangulong Noynoy Aquino na naisip niyang magpatupad ng Martial Law sa Sulu pero nagdalawang isip dahil wala namang garantiya na positibo ang magiging resulta nito.

Baka rin umano magkaroon ng dagdag na simpatiya sa asg kung gagawin ang Martial Law.

Samantala, inilatag naman ni Biazon ang iba pang maaaring gawin para masugpo ang Abu Sayyaf maliban sa pagdedeklara ng martial law.

 

Speak Your Mind

*