Pagiging presidential spokesman, binawi kay Atty. Salvador Panelo

Hindi na si Attorney Salvador Panelo ang magiging Presidential Spokesman.

Sa halip, ayon sa itinalagang spokesman ni President-Elect Rodrigo Duterte na si Ernie Abella, magsisilbi na si panelo bilang Chief Presidential Legal Counsel.

Ginawa ni Abella ang pahayag matapos na pulungin ni duterte ang kaniyang mga gabinete sa lungsod ng Pasay.

Una nang sinabi noon ni Duterte na pansamantala lamang nyang magiging tagapagsalita si Panelo.

Speak Your Mind

*