Pagkuha ng NBI Clearance sa Dagupan, paperless na dahil sa online application

Paperless na ang ipinapatupad na online application sa pagkuhan ng National Bureau of Investigation o NBI Clearance sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay Norlo Gallang, Senior Inspector III ng NBI-Dagupan, dahil sa ipinatupad na computerized at online registration ay hindi na kailangan na pumila ng mahaba.

Sa mga kukuha ng NBI Clearance, kailangang mag-apply muna sa online sa pamamagitan ng pagfill-up sa form na nakikita sa NBI website.

Sinabi pa ni Gallang na napakadali ng proseso dahil ang reference number ng pinil-apang form lang ang kailagang dalhin sa nbi office para sa pagbabayad, finger print, picture at inconding.

 

—–

Online application ng NBI, maaaring magbayad gamit ang electronic payment

Maaaring magbayad sa Online Application gamit ang electronic payment sa pagkuha ng National Bureau of Investigation o NBI Clerance sa lungsod ng Dagupan.

Inihayag ni Norlo Gallang, Senior Inspector III ng NBI Dagupan sa panayam ng sonshine radio na mayroong opsyon ang mga  Online Applicant kung saan nila gustong magbayad.

Sinabi pa ni Gallang na pwedeng magbayad gamit ang electronic payment sa anumang bangko o kahit saan otorisadong establisyemento ng nbi.

Malaking tulong naman ani Gallang ang ipinatupad na Online NBI Clearance dahil sa ito ay paperless at mas madali nang maisaayos ang kanilang mga dokumento.

Speak Your Mind

*