Pagpapaskil ng “no return, no exchange”, mahigpit na ipinagbabawal ayon sa DTI

Hindi pinapayagan ng batas ang paglalagay sa resibo at pagpapaskil sa tindahan ang “no return, no exchange” lalo na sa pagbibenta ng produkto.

Ito ayon kay Marjorie Loresco, Consumer Welfare Division Chief ng DTI-Pangasinan, dahil nakasaad ito sa implementing rules and regulations of RA 7394, o Consumer Act of the Philippines.

Sinabi pa ni Loresco na karapatan ng mga consumer na ibalik o palitan ang biniling produkto kung ito ay depektibo.

Ngunit nakalagay naman umano sa batas na hindi covered ng “no return, no exchange” kung ang ginamit na dahilan ang isang consumer ay nagbago ang kanyang isip sa biniling produkto.

Samantala, ipinaalala din ng DTI sa mga negosyante na mahigpit din ipinatutupad ang “exact change act” o pagbibigay ng tamang sukli sa mga consumer.

Speak Your Mind

*