Pagpapatupad ng 3-child policy, hindi dapat maging mandato ayon sa POPCOM

Hindi dapat maging mandato o sapilitan ang pagpapatupad ng 3-child policy sa mga mag-asawa sa Pilipinas.

Ito ang naging tugon ni Ma. Christina Martinez, Information Officer ng Commission of Population (POPCOM) Region 1 alinsunod sa gustong ipatupad ni President Elect Rodrigo Duterte.

Programa na umano ng POPCOM ang pagpapatupad ng Family Planing, kayat umaasa si Martinez na matoto na ang mahihirap na pamilyang Pilipino na maging responsableng magulang.

Masaya naman si Matinez sa suportang ibinibigay ni Duterte sa adbokasiya ng kanilang tanggapan kabilang na ang family planning, responsible parenthood at reproductive health bill.

Speak Your Mind

*