Pagpapatupad ng curfew sa bawat bayan at syudad, suportado ng Pangasinan PNP

Suportado ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) ang pagpapatupad ng curfew hours sa lahat ng mga menor de edad sa bawat bayan at syudad ng lalawigan.

Ayon kay P/Supt. Jackie Candelario, Information Officer at Deputy Provincial Director for Operation, sinimulan na ng mga hepe sa bawat presinto ng pangasinan kung anong bayan ang magpapatupad ng curfew.

Dagdag pa ni Candelario na hindi na kailangan ng panibagong batas, ang kailangan lang aniya ang mahigpit na pagpapatupad nito.

Trabaho umano ng pulisya na ipatupad ang batas lalo na kung ito ay para sa kaayusan ng kumunidad, kayat bukas din ang Pangasinan PNP na ipagbawal sa mga computer shop ang mga minor de edad pagsapit ng alas dyis ng gabi.

Speak Your Mind

*