Pagpasyal sa National Museum, libre sa Araw ng Kalayaan

Kasabay ng  ika-isandaan labing walong taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng bansa, libreng makakapasyal ang publiko sa National Museum sa Maynila.

Sa pahayag ng National Museum, libreng entrance ang alok nila sa publiko hanggang sa katapusan ng Hunyo.

Bukas ang National Museum mula Martes hanggang linggo, alas-diyes ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.

Maliban dito, bukas din ang mga Local Museum sa iba’t ibang rehiyon partikular na sa Vigan, Ilocos Sur; Kabayan, Benguet; Kiangan, Ifugao; Angono-Binangonan Petroglyphs; Tabaco, Albay; Tagbilarang, Bohol; Butuan, Zamboanga at Jolo, Sulu.

Speak Your Mind

*