Pagproseso ng business name registration, mas mapapabilis na sa Negosyo Center

Dalawang “Negosyo Center” ang nakatakdang buksan ng Department of Trade and Industry (DTI) ngayong buwan ng hunyo sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Natalia Dalaten, Chief Trade and Industry Development Specialist ng DTI-Pangasinan, maliban sa tatlong negosyo centers sa Dagupan City, Alaminos City at Rosales, pasisinayaan naman sa June 27 ang Negosyo Centers sa Lingayen at June 28 sa bayan ng Mangaldan.

Sinabi pa ni Dalaten na malaki ang naitutulong ng Negosyo Center sa publiko dahil mas napapabilis na ang pagproseso ng Business Name Registration at ng mga BAMBE o Barangay Micro Business Enterprices.

Maliban dito, nagbibigay din ng libreng serbisyo ang mga partner agencies ng DTI sa mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSME) para sa karagdagang kaalaman sa pagne-negosyo.

Ang tinig ni Natalia Dalaten, Chief trade and Industry Development Specialist ng DTI-Pangasinan.

Speak Your Mind

*