Pagsibak ni Donald Trump sa kanyang isang campaign manager, kinumpirma

Tinanggal na ni U-S Presidential Candidate Donald Trump ang kanyang isang campaign manager.

Kinumpirma ito ng tagapagsalita ng Republic Party Presidential Bet na si Hope Hicks na hindi na konektado sa kanila si Corey Lewandowski.

Maituturing na isang malaking kawalan si Lewandowski dahil isa siyang maituturing na nakatulong kay Trump sa Republican Primary na nakakuha ito ng aabot sa labing apat na milyon na boto.

Nabatid na hindi magkasundo ang campaign manager ni Trump at iba pang mga staff nito na sanhi raw ng hindi pagkakaunawaan sa kampanya.

Speak Your Mind

*