Pagtatanim ng mangrove, malaking tulong laban sa kalimidad

34Malaki ang maitutulong sa kailugan ng bayan ng San Fabian, Pangasinan ang isinagawang Mangrove Tree Planting Activity ng Sonshine Philippine Movement kasabay ng kanilang ika-labin isan taong anibersaryo.

Ito ayon kay Jhonny Paraan, Municipal Fishery Officer ng bayan San Fabian, ay dahil nagiging breeding ground ng mga isda ang itinanim na libo-libong bakawan sa tabing ilog.

Bukod dito, magsisilbi ring pagkain ng mga isda ang mabubulok na dahon ng mangrove na tinatawag ng “detritus”.

Higit sa lahat, ang pagtatanim ng mga bakawan sa gilid na kailugan ay nagsisilbing proteksyon laban sa kalamidad at maaari ring pagkuhaan ng kabuhayan ng kumunidad.

Dahil dito, sinabi ni Paraan na patuloy ang programa ng lokal na pamahalaan na isulong sa mga coastal community ang  “aquasilviculture” kung saan ito ang sabay na pag-aalaga ng mangrove at mga high value fish species.

 ——- 

Awareness ang mga residente sa kahagahan ng mangrove, isunusulong ng LGU’S San Fabian

Umaasa ang Municipal Fishery Office ng bayan ng San Fabian, Pangasinan na magkaroon ng awareness ang mga residente malapit sa mga kailungan na malaman nila ang kahalagahan ng mangrove.

Ito ang inihayag Jhonny Paraan, Municipal Fishery Officer ng San Fabian kaugnay sa isinagawang mangrove tree planting ng ika-11th anniversary ng Sonshine Philippine Movement sa Barangay Sobol.

Ayon kay Paraan, dapat alagaan ng kumunidad ang mga itinanim na mangrove dahil malaki ang maitutulong nito sa kanilang kabuhayan at dagdag atraksyon pa ito sa kanilang lugar.

Inaasahan naman ang fishery officer na magkaroon ng “sustainability plan” ang naturang progam para tuluyang mapakinabangan ang itinanim na mahigit dalawang libong mangrove tree.

Speak Your Mind

*