Pagtatanim ng palay, iminumungkahi ngayon panahon ng tag-ulan ng DA

Iminumungkahi ng Kagawaran ng Agrikultura sa mga magsasaka sa lalawigan ng Pangasinan ang pagtatanim ng palay ngayong panahon ng tag-ulan o ang inaasahang pagpasok ng La Nina Phenomenum.

Ayon kay Dr. Gilbert Rabara, hepe ng Pangasinan Research and Experimental Center ng DA- Pangasinan, kahit na rainfed area sa lalawigan ay masasabing irrigated narin kapag buwan ng hunyo hanggang septyembre.

Sinabi pa ni Rabara na makatitiyak ang ani ng mga magsasaka kapag ganitong panahon dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan.

Nilinaw naman ng DA, na maliit lang ang porsyentong naitatala ng naranasang El Nino at El Nina sa Pangasinan dahil sa pagtutulungan ng ibat-ibang ahensya ng gobyerno.

—-

Naipro-produce na palay sa Pangasinan, subra-subra

Subra-subra ang naipro-produce o naaaning palay sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa panayam ng DZAR Sonshine Radio, sinabi ni Dr. Gilbert Rabara, hepe ng Pangasinan Research and Experimental Center ng Department of Agriculture, umaabot sa 198 sufficient percentage ang naitala sa Pangasinan.

Ayon pa kay Rabara, batay sa kanilang record, tinitayang nasa 98 percent na produce ng palay ang naibibenta na o lumalabas na sa lalawigan.

Masasabi aniyang matatag ang pagsasaka sa lalawigan o rice sufficient dahil mayroon ang Pangasinan ng mahigit 183,000 ektrayang sakahan.

Speak Your Mind

*