Pakistani teenager, sinunog ng sariling ina

Patay ang isang Pakistani teenager matapos itong sunugin ng kanyang sariling ina.

Ayon sa Lahore Senior Police Official na si Haidar Ashraf, pinatay ni Perveen Bibi ang kanyang sariling anak na si Zeenat Bibi dahil sa pagpili nito ng kanyang magiging asawa.

Napag-alaman na noong may 29, ng magpakasal si Zeenat sa isang nagngangalan na Hasan.

Ayon kay Hasan, ayaw umanong umuwi ng kanyang asawa na si Zeenat sa kanilang bahay dahil sa takot na saktan ito ng kanyang pamilya.

Pero dahil umano sa pangako ng magulang nito na hindi sasaktan ang kanilang anak, ay pinayagan umano ni Hasan na umuwi si Zeenat sa kanilang bahay.

Makalipas aniya ng ilang araw ay nabalitaan nitong patay na ang kanyang asawa.

Ayon sa mga otoridad, hindi na bago ang ganitong insidente na mismong mga kaanak ng mga biktima ang pumapatay sa kanila na tinawag namang “Honour Killings”

Speak Your Mind

*