Pananalasa ng bagyo sa Australia, nag-iwan ng tatlo kataong patay

Tatlo ang iniwang patay matapos na tumama ang malakas na bagyo sa Australia.

Partikular na tinamaan ng bagyo ang East Coast ng Australia ng kinabibilangan ng New South Wales, Victoria at Tasmania.

Marami na rin ang pinalikas na nakatira malapit sa karagatan dahil sa paghampas ng mga malalaking alon.

Bukod dito, umapaw din ang mga pangunahing ilog sa mga nabanggit na lugar.

Hindi rin madaanan ang ilang major roads dahil sa pagtumba ng ilang mga poste ng kuryente at puno.

Wala ring suplay ng kuryente sa malaking bahagi ng New South Wales.

Tuloy naman ang paghahanap ng mga otoridad sa dalawang katao na nai-ulat na nawawala.

Speak Your Mind

*