Pangangailangan ng dugo sa Pangasinan, unti-unti nang nararamdaman

Mataas na ang pangangailangan ng dugo sa lalawigan ng Pangasinan hindi pa man opisyal na nagsisimula ang tag-ulan kung saan marami ang may sakit na dengue

Ayon sa Edz Suratos, Spokesperson ng Philippine Blood Bank sa Region 1 Medical Center (R1MC) na mahigit sa apatnapung bag ng dugo ang inilalabas kada araw para sa mga pasyente na may sakit na cancer, at mga buntis.

Pinangangambahan na tataas pa ang demand ng dugo kapang dumami na ang kaso ng dengue na karaniwang nakukuha sa panahon ng tag-ulan.

Dahil dito, umapela ang Blood Bank sa publiko na kusa nang magdonate para mapunan ang pangangailangan ng dugo at makatulong na makapag-dugtong ng buhay ng iba.

Samantala, tuloy-tuloy naman umano ang Mobile Blood Donation ng Blood Bank kung saan anim na schedule na ang isasagawa sa ibat-ibang lugar sa Pangasinan ngayong buwan ng Hunyo.

Speak Your Mind

*