Pangasinan PNP, bukas na isailalim sa drug test at life style check

Bukas ang Pangasinan Provincial Police Office (PPPO) sa posibilidad na isailalim ang hanay ng kapulisan sa “random drug test” alinsunod sa nais ipatupad ni incoming President Elect Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kay P/Supt. Ferdinand “Bingo” de Asis, Public Information Officer ng PPPO sinabi nito ang naturang hakbang ay magpapatunay na malusog ang kanilang katawan.

Maiiwasan din umano nito ang mga espikulasyon na may mga irrigularity na ginagawang ang isang police personnel na may kaugnayan sa droga.

Samantala, pabor din naman umano ang PPO sa nais din ipatupad ni Incoming PNP Chief General Ronald Dela Rosa na isailalim sa “life style check” ang hanay na kapulisan.

Giit pa ni de Asis na hindi pinapaboran ng PNP ang kanilang mga kabaro na sangkot na ilegal activities kaya sila nagkaroong ng tagong yaman.

Speak Your Mind

*