Pangasinan PNP, full force sa pagbibigay siguridad sa unang araw ng klase

Buong puwersa ng kapulisan ang ipinakita ng Police Provincial Office (PPO) sa unang araw ng balik eskuwela upang maitiyak ang kaligtasan ng mga estudyante.

Ayon kay P/Supt. Ferdinand de Asis, Information Officer at Police Community Relation ng Pangasinan PPO na, ipinakalat ang lahat ng kapulisan sa mga paaaralan sa lalawigan.

Maliban sa itinalaga Police Assistance Desk sa harap ng paaralan, magsagawa rin ang pulisya ng ramdom checkpoint sa lahat ng motorista para sa kanilang “oplan sita”.

Tiniyak naman ng Pangasinan PNP na hindi lang sa umaga magbabantay at mag-iinspeksyon ang pulisya sa harap ng paaralan kung maging sa uwian ng mga estudyante

Speak Your Mind

*