Pangasinan PNP, tiniyak ang kahandaan sa pagbubukas ng klase

Aabot sa tatlundaan walumpot anim na police personnel ang ipapakalat ng Pangasinan Provincial Police Office sa mga lalawigan sa pagbubukas ng klase sa Hunyo a-trese.

Sinabi ni P/Supt. Jackie Candelario, Information Officer at Deputy Provincial Director for Operation ng PPPO na katuwang din ng Pnp ang mga Force Multiplier, Brgy. Tanod at mga Volunter sa pagbabantay sa mga paaralan.

Tinatayang nasa isandaan at walo ang itatalagang Police Assistance Desk sa mga pampubliko at malalaking paaralan sa probinsya.

Tiniyak naman ni Candelario ang kanilang tamang koordinasyon sa pamunuan ng paaralan para sa pagbibigay siguridad ng mga estudyante na papasok na klase.

Paalala naman ng pulisya sa mga magulang na ugaliin ang pagmomonitor sa kanilang anak, alamin ang sasakyang maghahatid sa paaralan, sabihan ang mga anak na huwag makipag-usap at magtiwala sa hindi kakilala, at magdala ng pananggalang sa panahon ng tag-ulan.

Speak Your Mind

*