Pangasinan PNP, mataas ang accomplishment report kontra ilegal drugs

Mataas ang naitalang accomplishment ng Pangasinan Provincial Police Office (PPPO) sa kanilang operation against illigal drugs ngayong taon kumpara noong nakaraang taon.

Ito ang inihayag ni P/Supt. Ferdinand “Bingo” de Asis, Public Information Officer ng PPPO sa panayam ng DZRD Sonshine Radio bunga ng kanilang pinaigting na kampanya kontra iligal na droga.

Sinabi pa ni de Asis na tuloy-tuloy din ang kanilang isinasagawang “target programming” kung saan ang lahat ng target personalities na sangkot sa iligal drugs ay tinatalakay sa pagpupulong ng hepe ng police station.

Binigyang diin naman ni de Asis na linggo-linggong tinututukan ng PPPO ang lahat ng police station sa Pangasinan para sa kanilang mga accomplishment sa ipinapatupad na lambat sibat.

Samantala, posible namang ideklara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang bayan ng Sto. Tomas, Pangasinan na “drug free” dahil walang naitalang drug affected area sa nasabing lugar.

Speak Your Mind

*