PDRRMC, kinumpirma ang labing apat na fault line sa Pangasinan

Mayroong labing apat na fault line ang lalawigan ng Pangasinan batay sa hazard map na ibinigay ng National Economic and Development Authority (NEDA) Region 1.

Ito ang kinumpirma ni Avinex Arenas, spokesperson at Training and Information Head ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Ngunit sinabi ni Arenas na mas pinapangambahan ngayon ng ahensya ang Manila Trench sa bahagi ng West Philippine Sea na posibleng magbigay ng malaking epekto sa lalawigan sakaling magkaroon ng lindol.

Bunga nito, kasado na umano ang isasagawang National Simultaneous Earthquake Drill ngayong Hunyo a-bente dos at ibat-ibang aktibidad na gagawin sa pagpasok ng National Disaster Consciousness Month sa buwan ng Hulyo.

Patuloy namang umaasa ang PDRRMO sa suportang ibibigay ng papasok na administrasyon ng batang Espino na si BM Amado “Pogi” Espino III sa mga programa ng disaster preparedness.

Speak Your Mind

*