Petisyon sa pagtaas ng pamasahe sa jeep, planong muling ihain

Kasunod ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ngayong araw, inihayag ng grupong pasang masda na suportado nila ang paghahain ng ilang transport group ng petisyon para sa pagtaas ng pamasahe sa jeep.

Sa naging panayam ng sonshine radio kay Pasang Masda President Obet Martin, sinabi nitong makikipag-ugnayan ang kanilang grupo sa 1-Utak para sa nasabing petisyon

Sa ngayon, hindi na madidinig ng kasalukuyang namumuno ng LTFRB ang kanilang petisyon kung kayat dapat nila itong ihain muli sa pag upo ng bagong administrasyon.

Dagdag pa ni Martin mas mainam ang pagkakaroon ng fare matrix dahil automatikong magbabago ng minimum fare sa mga pampasaherong jeepney.

Speak Your Mind

*