Planong pagpatay kay Duterte, itinanggi ng mga high-profile bilibid inmates

Itinanggi ng mga high-profile inmates sa bilibid ang umano’y planong pagpatay kay President-Elect Rodrigo Duterte at incoming Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa.

Hiling ng mga miyembro ng Bilibid Nineteen kay Duterte, imbestigahan ang sinasabing planong pagpatay sa kanya.

Nangangamba rin ang grupo sa posibilidad na gamitin ang umano’y planong pagpatay para patahimikin sila.

Una nang ibinunyag ni Dela Rosa ang umano’y patong sa ulo ng mga drug lord sa Bilibid sa kanya at kay Duterte.

Speak Your Mind

*