PLDT at Globe, nagkasundo sa I.P Peering para mapabilis ang internet

Nagkasundo ang Philippine Long Distance Telephone Company at Globe Telecom Incorporated na payagan ang direct exchange ng local internet traffic para mapaganda pa ang kalidad ng kanilang serbisyo.

Ang I.P Peering Agreement ay nilagdaan ng dalawang Telecom Company dalawang linggo matapos nilang bilhin ang internet assets ng San Miguel Corporation

Makukumpleto ang I.P Peering sa loob ng tatlumpung araw habang ang full implementation naman ay sa susunod na siyamnapung araw.

Iniimbestigahan ng mga regulators ang PLDT at Globe sa posibleng paglabag sa competition law matapos bilhin ang internet assets ng San Miguel.

Idinepensa naman ito ng PLDT at Globe at ipinuntong ang pagbili sa internet assets ng San Miguel ay makakatulong para mapabilis ang internet sa bansa.

Speak Your Mind

*