PNP, nagbabala sa publiko sa paggamit ng social media

Pinaalalahanan ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group ang publiko sa paggamit ng social media upang makaiwas sa identity theft.

Ayon kay PNP–ACG Chief Superitendent Jay Guillermo, kung hindi maiwasang gumamit ng social media ay dapat bawasan ang paglalagay ng maraming impormasyon dito upang hindi makopya ng iba.

Dapat rin aniyang limitahan ang pagpo-post ng mga larawan ng pamilya na kayang kunin at ilagay sa ibang account.

Tiniyak naman ni Guillermo na mayroong pamamaraan ang PNP para madaling mahuli ang sinumang magko-commit ng identity theft.

Matatandaang kahapon nahuli ang suspek na gumamit sa katauhan ng artistang si Maricel Laxa para makakuha ng pera.

Speak Your Mind

*