Police Assistance Desk sa bawat paaralan, ikakasa ng PPO sa pagbubukas ng klase

Handang handa na ang Pangasinan Provincial Police Office o PPPO sa pagbibigay ng siguridad sa mga estudyante na nalalapit na pagbubukas ng klase sa Hunyo a-trese.

Sa Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas o KBP Forum, sinabi ni P/Supt. Jackie Candelario, Information Officer at Deputy Provincial Director for Operation ng PPPO na maglalagay sila ng Police Assistance Desk sa bawat paaralan.

Sinabi pa ni Candelario na layunin nito na mabantayan ang mga estudyante sa inaasahang pagbigat ng daloy ng trapiko at ilang mga pitty crime insident.

Hindi naman umano isinasantabi ng PPPO ang kampanya kontra kriminalidad lalot batid nila na ang masasamang loob ay umatake kung kailan abala ang mga kapulisan.

Speak Your Mind

*