Presyo ng NFA Rice, walang paggalaw kahit pumasok na ang panahon ng tag-ulan

Tiniyak ng National Food Authority o NFA Western Pangasinan na walang magiging paggalaw sa presyo ng nfa rice kahit pumasok na ang panahon ng tag-ulan.

Ito’y sa kabila ng pagtaas sa presyo ng mga commercial rice sa merkado ng hanggang sa P2 kada kilo dahil sa mahinang suplay at mataas na presyo mula sa mga supplier.

Ayon kay NFA Senior Enforcement & Investigation Officer (SEIO) Lita Catabay, nananatiling nasa P27 kada kilo ang presyo ng NFA Rice sa mga pamilihan.

Sinabi pa ni Catabay na tuwing panahon ng tag-ulan, mas nagiging mabili ang nfa rice dahil bukod sa murang presyo ay mas magandang klase ang nfa na kanilang isinusuplay sa pamilihan.

Speak Your Mind

*