Productivity Level ng mga manggagawa, dapat pang pataasin ayon sa RTWPB

Kung may wage increase, dapat rin umanong pataasin ang productivity level ng mga manggagawa.

Ito ang inihayag ni Salvador Quinto, Administrator Assistant ng Regional Tripartite Wages And Productivity Board o RTWPB Region 1 sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Ayon pa kay Quinto, marami sa mga employer ang humihiling na taasan din ang antas ng serbisyong maibibigay ng mga manggagawa para akma sa sinasabing “equal pay for equal work”.

 

Patuloy naman nagbibigay ng libreng pagsasanay ang nasabing ahensya sa mga nagnanais na mapataas ang antas nang serbisyo na maibibigay ng isang kumpanya.

 

Ang tinig ni Salvador Quinto, Administrator Assistant ng Regional Tripartite Wages And Productivity Board Region 1 sa panayam ng Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*