Program principle para sa mga beneficiaries ng KC-NCDDP ng DSWD, inilabas na

Upang matiyak ang kalidad na ibinibigay na serbisyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 1, naglabas ng mga polisya ang kagawaran para sa mga benepisyaryo ng KC-NCDDP.

Ito ay ang “LET CIDSS” kung saan nakabase ito sa sinusundang prensipyo ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) National Community-Driven Development Project (NCDDP).

Ayon kay Helen Veryan Valdez, Regional Social Marketing Officer ng KALAHI-CIDSS ang “LET CIDSS” ay kinabibilangan ng localized decision making, empowering, at transparency.

Hindi rin mawawala rito ang community prioritization, inclusive and multi stakeholder, demand driven, simple, at sustainable sa mga proyekto.

Mahalaga aniya ang people and community empowerment sa tinatawag na sub-project gaya ng day care center, footbridge at farm to market road dahil natatapos nito ang isang proyekto sa tulong ng kumunidad.

Speak Your Mind

*