Publiko, binalaan ng DTI sa pagbili ng mga produkto sa mga sales promo

Hinikayat ng Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan ang publiko na maging mapanuri sa mga bibilhing produkto sa mga sales promo.

Sa ilalim ng sales promotion ng Consumer Act of the Philippine, hindi lalampas ng 3 months kung discount sales, 6 month kung closing out sales at hindi bababa sa isang taon kung raffle draw promo .

Pinapayagan din aniya sa consumer act na magkaroon ng store promotion sa pamamagitan ng pagkakabit ng mga material na nagsasabing sales ang produkto.

Dahil dito sinabi ni Marjorie Loresco, Consumer Welfare Division Chief ng DTI-Pangasinan, na sa pagbili ng sales, dapat alamin ng mamimili ang orihinal na presyo ng produkto.

 

Dagdag pa ni Loresco na sa pagbili sa mga sales, dapat siguraduhin ang kalidad ng bibilhing produkto at tiyaking hindi ito depektibo.

Speak Your Mind

*