Red Cross–Pangasinan Chapter, nakiisa sa World Blood Donors Day

Kasabay sa pagdiriwang World Blood Donors Day kahapon, patuloy na isinusulong ng Philippine Red Cross–Pangasinan Chapter na boluntaryong pagdo-donate ng dugo.

Ayon kay Flora Mae Magalong, Administrator ng PRC-Pangasinan Chapter, mahalaga ang papel ng mga blood donors para matugunan ang pangangailangan ng supply ng dugo sa lalawigan.

Ang pina-katampok naman sa selebrasyon ng World Blood Donors Day ay ang mga Young Red Cross Volunteers na mahasa sa voluntary blood advocacy at maagang makapag-recruit ng blood donors.

Samantala, target naman ng Red Cross na nakalikom ng mahigit tatlundaang blood donors para matugunan ang kanilang stock ng dugo para sa pangangailangan sa oras ng sakuna.

Speak Your Mind

*