Ritz Azul, posibleng gumanap bilang bagong Darna

Lumulutang ngayon ang pangalan ng bagong Kapamilya Aktres na si Ritz Azul bilang isa sa mga pinagpipiliang gumanap na bida sa movie remake ng Darna na ipuprodyus ng Star Cinema.

Dapat ay si Angel Locsin ang gagawa nito, ngunit dahil sa kanyang slip disc ay umatras ang aktres sa proyektong ididirek ni Erik Matti.

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si ritz na pinagkatiwalaan siya ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment na bigyan ng malaking proyekto.

Ito ay ang The Promise of Forever, kung saan makakasama niya sina Paulo Avelino at Ejay Falcon at kinunan sa iba’t ibang bahagi sa Europa.

Ito ang unang pagkakataon na nakapagshoot ang aktres sa ibang bansa para sa isang Teleserye.

Speak Your Mind

*