Rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, ipinatupad ngayong araw

Magpapatupad ng panibagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa.

Una ng nagbaba ng presyo kaninang alas dose uno ng hatinggabi para sa kanilang produkto ang Eastern Petroleum, Seaoil, Flying V at Petron.

Epektibo naman ngayong alas sais ng umaga ang rollback ng Unioil, Total, PTT, Phoenix Petroleum at Shell.

Animnapu’t limang sentimos kada litro ang kaltas sa presyo ng gasolina at diesel, habang apatnapu’t limang sentimos naman sa presyo ng kerosene.

Ang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw sa presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Speak Your Mind

*