Roxas, humiling ng extension sa Comelec matapos mabigong magpasa ng SOCE

Humihiling ng extension ang kampo ni dating Interior Secretary Mar Roxas para makapaghain ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).

Sa panayam ng DZAR Sonshine Radio kay Congressman Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Roxas, sinabi nito na humingi sila ng labing-apat na araw na extension dahil sa dami ng resibo.

Pero ayon kay Attorney Mazna Luchavez-Vergara ng Comelec Campaign Office, mukhang malabong mapagbigyan ang hiling ni Roxas na palawigin ang deadline para maihabol niya ang kanyang SOCE.

Sagot naman ng kampo ni Roxas, handa sila sa anumang magiging desisyon ng Comelec en Banc.

Ang interes lang umano nila ay maisumite ng kumpleto at buo ang SOCE ni Roxas at ng Liberal Party.

Speak Your Mind

*