Saab Magalona, dumipinsa sa kanyang mga bashers

Dumipensa ang anak ng yumaong rapper na si Francis Magalona sa mga bashers nito.

Sa post ng isang basher ni Saab Magalona, tinawag itong baog dahil sa hindi nila pagkakaroon ng anak ng asawang si Jeremiah “Jim” Bacarro na isa ring musikero.

Sa isang entry ni Saab sa kanyang blog na spellsaab.juice.ph, pinaliwanag nito kung bakit hanggang sa ngayon at wala pa rin silang anak ng kanyang mister.

Sinabi ni Saab, choice umano nilang mag-asawa na i-enjoy muna ang kanilang paggiging mag-asawa.

Dagdag pa nito, base sa pag-aaral sa United States, may mga mag-asawang naghihintay muna ng tatlong taon bago magplano ng pagkakaroon ng baby.

Gayunpaman, iginagalang din aniya nito ang mga bagong mag-asawa na pinipili agad na magkaroon ng tsikiting.

Paki-usap naman ng aktres sa publiko na huwag agad-agad manghuhusga sa desisyon ng kanilang kapwa.

 

Speak Your Mind

*