Sakit sa mata na nakukuha sa paggamit ng computer, ibinababala

Kasabay sa nalalapit na pagbubukas ng klase, nagbabala ngayon ang kilalang Opthalmologist sa lungsod ng Dagupan sa sakit sa mata na nakukuha sa subrang paggamit ng computer.

Sa panayam ng dzrd sonshine radio, sinabi ni Dr. Michael Go, Opthalmologist ng Go Eye Clinic na ang subrang paggamit ng computer, laptop, ipad, at cellphone ay matatawag nang computer vision syndrome.

Ayon pa kay Go, ang anumang paggamit ng subra ay nakakasama sa katawan at maaari pang magresulta ng pananakit ng ulo, paghapdi ng mata at maaring mauwi sa eyestrain.

Ipinapayo naman ni Go na mas mabuting ipahinga lang ang mata sa pagtututok sa computer upang maiwasan ang mas malalang sakit at kumain ng masustansyang pagkain gaya ng gulay para mapangalagaan ang mata.

Speak Your Mind

*