Sarah Geronimo, pinabulaanan na umalis na ng kanilang tahanan

Mariin namang pinabulaanan ng Pop Star Princess na si Sarah Geronimo na bumukod na ito at umalis na sa kanilang bahay.

Ayon kay Sarah, nananatili pa rin siyang nakatira ngayon sa poder ng kanyang mga magulang.

Itinanggi rin ni Sarah ang napapabalitang engaged na umano ito sa kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli.

Samantala, umaasa naman ang aktres na sa edad ng 30 o 32 ay ma-settle down na nito ang kanyang love-life.

Speak Your Mind

*